Sunday, May 31, 2015

!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

            
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

                   Isa sa mga hinding-hindi ko malilimutang experience sa CE 132 ay nung kinailangan naming bumaba ng tulay. Ang way lamang pababa ay hagdanan  na gawa sa kahoy na ipinatong sa pader. Mukhang pang hindi matibay ang pagkakagawa. Pero mabilis namang nakababa yung mga groupmates ko maliban sa akin. Takot talaga ako sa matataas na lugar. HAHA. Maraming times ako nagattempt na bumaba pero inuunahan ako ng takot. Pinagtatawan na lamang ako ng mga groupmates ko. Ang nakakahiya pa dun, puro babae yung mga groupmates ko. Haha! Nagpatuloy na sila sa visual assessment habang ako ay nasa taas nagbabantaybantay at kumukuha ng pictures. Sa huli, parang naiinggit ako sa kanila at gusto ko na talaga bumaba . tinibayan ko nalang  loob ko at nagpasalangaalng na lang sa Diyos at sa wakas nagawa ko ring bumaba!. Nagulat na lang mga groupmates ko at nasa likod na nila ako. HAHAHA.
            
            Para sa akin, ito yung naging turning point kung saan nagkakaclose kaming mga magkaka-groupmates at nagawa ko pang harapin yung kinatatakutan ko.hehe Sana makagroupmates ko pa uli sila pero sa ibang subject naman sana. HAHA. Bawat class activity at lesson ay puno ng exclamation point. Sobrang naenjoy ko talaga ang CE 132. Marami akong natutunan at higit sa lahat, ang cool ng mga classmates ko, ang cool ng mga groupmates ko at ang cool pa  ng prof ko. HIHIHI J

THANK YOU SA LAHAT! THANK YOU SIR O!

-Eugene Dimayacyac :))

No comments:

Post a Comment